Gusot sa PDP-LABAN, aayusin ni PDU30

Gusot sa PDP-LABAN, aayusin ni PDU30

August 10, 2018 @ 9:40 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Hindi hahayaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magkaroon ng paksyon sa loob ng partido ng Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-LABAN.

Si Pangulong Duterte ang tumatayong Chairman ng nasabing partido.

Sa katunayan ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ay pinangunahan ng Chief Executive ang ‘caucus’ para ayusin ang sinasabing gusot sa loob ng PDP-LABAN.

Nangyari ang pulong sa Diamond Hotel sa Maynila.

(c) SAP GO

(c) SAP GO

 

Matatandaang, kamakailan ay nagpatawag ng isang national assembly ang isang grupo sa loob ng PDP-Laban kung saan ay nahalal bilang pangulo si Atty. Rogelio Garcia.

Kinontra naman agad ni PDP-Laban President Koko Pimentel ang resulta ng nasabing national assembly at sinabing hindi awtorisado ang nasabing hakbang.

Sinasabing unang pinulong nang magkahiwalay ni Pangulong Duterte ang dalawang paksyon ng PDP-Laban bago tipunin nang isa isa.

Ani Sen. Koko Pimentel, sa naturang pulong nangako ang pangulo na palalakasin ang partido para sa 2019 midterm elections.

“It was good because the President mentioned to us his commitment to help the party by campaigning for good candidates,” ayon sa senador.

Naging maganda aniya ang bunga ng Pangulo na ituon ang atensyon sa mga pangako ng PDP-Laban noong kampanya tulad ng pagsusulong sa pederalismo at pagsugpo sa krimen at kurapsyon.

Samantala, isa pa anyang pulong ang nakatakdang ganapin sa susunod na buwan para resolbahin ang mga isyu at pagkakaiba sa partido. Kris Jose