Gusot sa Pederalismo, dapat ayusin ng gabinete

Gusot sa Pederalismo, dapat ayusin ng gabinete

August 11, 2018 @ 8:56 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte ang mga miyembro ng gabinete na lutasin ang anumang hindi pagkakaunawaan sa usapin ng Pederalismo.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kinikilala nila ang mga pagkakaiba ng opinyon sa Pederalismo bilang bahagi ng nagpapatuloy na diskurso sa usapin.

Napaulat na nagpahayag ng agam-agam ni Fr. Ranhilio Aquino, miyembro ng Consultative Committee (ConCom) sa determinasyon ni Pangulong Duterte na isulong ang Pederalismo kasunod ng pagkontra rito ng kanyang economic managers gaya nina National Economic and Development Authority (NEDA) chief Ernesto Pernia at Finance Sec. Sonny Dominguez.

Kaya nga, hinamon ni Fr. Aquino si Pangulong Duterte na sabihin kung gusto ba niya talaga o hindi ang Pederalismo para ngayon pa lang ay abandonahin na nila ang pinaghirapang draft ng Federal Constitution.

Ayon kay Sec. Roque, welcome sa kanila ang mga concerns ni Fr. Aquino bilang miyembro ng con-com at kinikilala nila ang mahalagang kontribusyon nito sa pagbalangkas ng federal charter.

“We welcome the concerns of Fr. Ranhilio Aquino as a member of the Consultative Committee (ConCom) and acknowledge his passion and hard work in contributing to the drafting of the federal charter. The President, as we all know, has long been an advocate of federalism and his policy has always been one of inclusive participation of various groups and sectors,” ani Sec. Roque.

Nananatili aniyang advocate si Pangulong Duterte ng Pederalismo at bahagi ng kanyang polisiya ang pagsama sa mga iba’t ibang grupo at sektor.

“We view the differences of opinion on federalism as part of the continuing discourse, even among members of the President’s official family, which the Chief Executive encourages to thresh out possible contentious issues,” aniya pa rin. (Kris Jose)