Gusot sa South China Sea aayusin ng China, Vietnam

Gusot sa South China Sea aayusin ng China, Vietnam

November 2, 2022 @ 9:49 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagkasundo ang China at Vietnam na aayusin nila ang gusot kaugnay ng territorial disputes sa South China Sea kasabay ng leaders’ meeting sa Beijing.

Ayon sa ulat nitong Martes, Nobyembre 1 ay nagkita sina Chinese President Xi Jinping kasama ang iba pang Chinese leaders, at ang Communist Party General ng Vietnam na si Secretary Nguyen Phu Trong para sa usapin ng maritime issues.

Kasabay nito ay nagkasundo ang Beijing at Hanoi na maayos na hahawakan ng dalawang bansa ang mga maritime issues at makikibahagi sa long-term peace at stability sa rehiyon.

Pananatilihin umano ng dalawang bansa ang soberanya sa pinag-aagawang bahagi ng dagat, na kabilang rin ang mga bansang Taiwan, Malaysia, Brunei at Pilipinas sa pumuprotesta.

Sisiguruhin din umano nila na patuloy sila sa pagbibigay ng mga solusyon na hindi makaapekto sa kanilang kani-kaniyang posisyon.

Daanan ang South China Sea ng mga barkong may kargang trilyong dolyar na halaga ng mga kalakal, naval vessels ng United States at iba pang Western nations kung kaya’t napakahalaga ng rutang ito na matatandaang matagal nang ipinipilit ng China na sakop ito ng kanilang teritoryo.

Maliban sa usapin ng teritoryo, nagkasundo rin ang Vietnam at China na kapwa lalaban kontra sa terorismo, crack down sa transnational fraud at illegal drug trade. RNT/JGC