GUSTONG KUMABIG NGUNIT WALA NAMANG TAYA

GUSTONG KUMABIG NGUNIT WALA NAMANG TAYA

June 29, 2022 @ 8:12 PM 2 months ago


Ang kakapal din naman ng muk­ha ng ilang kasalukuyang opisyal na humahawak ng posisyon sa gob­yernong hindi naman tumulong sa kampanya ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kasing tigas ng adobe ang muk­ha ng mga walanghiyang hindi na nga nangampanya kay Pang. Bongbong, lumilinya pa ngayon sa mga malapit na kaal­yado nito para mapanatili ang kanilang puwesto.

May ilan pang makakapal ang apog na kabilang sa mga nanlait at umalipusta noon kay PBBM ang gumagapang din ngayon para makasungkit ng posisyon.

Tinatarget pa ng mga balim­bing ang ilang juicy position sa gobyerno kabilang na ang BOC, PAGCOR, LTO at PCSO kung saan bistado naman ng kampo ng mga pulahan ang pagyurak nito sa pagkatao ni Pang. Bongbong at ng kanyang pamilya noong ka­sagsagan ng eleksyon.

Nagsimulang luminya ang mga animal mula nang magpalabas ng pahayag si Senator Imee Marcos na kukumbinsihin niya ang kanyang nakababatang kapatid na kumuha ng bright boys sa dati nang umupong Pangulong sina Manay Gloria, PNoy, Mang Fidel at iba.

Akalain mo naman na kumagat ang mga walanghiyang hinay-hinay nang gumapang ng mga puwestong kung titingnan naman ang background ay saksakan ng korapsyon at panda­rambong.

May iba pa nga na pinaniniwa­laang Bikolanong opisyal na bistado namang nangampanya talaga kay VP Leni subalit nais ding su­mawsaw sa administrasyon ngayon ni Pang. Bongbong.

Kumbaga sa giyera, nakiisa na rin sa pagdiriwang ng liberasyon ang mga kempetai o traydor noon sa rebolusyon ng tiyempo Hapon kung saan gusto pang kumabig ng pensyon. Pwe!

Bagaman tahasang sinabi ni PBBM na tapos na ang pamumulitika at kailangang magkaisa ang lahat upang masolusyunan ang kaliwa’t kanang suliraning kinakaharap ngayon ng bansa ngunit hindi naman ma­katwiran na isama sa kanyang administrasyon ang mga nambaluhara noon sa pamil­ya nitong dahil baka maging de­stabili­zers pa ng gobyerno.

Ibig sabihin, kailangang maging maingat pa rin ang Pangulo sa paglagay ng mga indibidwal sa puwes­tong ilan sa kanila ay mga hunya­ngo.

Anomang puna o reaksyon, i-text sa 09999388537/email nor­man­lau­[email protected].