Gutierrez kay Roque: Sobrang sinungaling

Gutierrez kay Roque: Sobrang sinungaling

July 21, 2021 @ 6:30 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA – Tinawag ni Barry Gutierrez, spokesperson ni Vice President Leni Robredo si Presidential Spokesperson Harry Roque na ‘sobrang sinungaling’ sa isang tweet nitong Miyerkoles.

Ang post sa Twitter ni Gutierrez ay pinabulaanan nito ang sinabi ni Roque sa kaparehong araw na ‘pinili’ umano ni VP Leni na umalis sa gabinete at maging lider ng oposisyon.

“Ayoko na sanang patulan pero sobrang sinungaling eh. “Pinili” daw ni VP Leni na umalis sa Gabinete para maging lider ng oposisyon. Hay naku, magsisinungaling na lang andali pang hulihin. Resibo:,” pahayag ni Gutierrez sa kanyang tweet kasama ang litrato ng isang text message.

Ang text message ay galing sa isang kinilalang “CabSec Jun” na ipinahayag ang sumusunod na mensahe:

“Gd afternoon Madam Vice President. Mayor Rody Duterte thru Bong Go asked me to relay to you his instruction for you to desist from attending all Cabinet mtngs starting This Monday Dec 5, 2pm. Ty”

Samantala, wala pang pahayag ang kabilang panig patungkol sa mensaheng ito. -RNT/Ethel Mangao -trainee


  •  
  •  
  •