Gutter-deep na baha sa ilang kalsada sa NCR naitala-MMDA

Gutter-deep na baha sa ilang kalsada sa NCR naitala-MMDA

September 20, 2022 @ 9:25 AM 1 week ago


Ilang mga kalsada sa Metro Manila ang hanggang gutter na ang baha bunsod ng malakas na pag-ulan dulot ng Habagat ngayong Martes.

Iniulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang mga sumusunod na lugar ay nakaranas ng gutter-deep na baha:

EDSA-POEA southbound
MIA-Domestic pakanluran
EDSA-Ortigas southbound sa harap ng POEA
EDSA-Ortigas northbound sa ramp at southbound off ramp

Samantala, lagpas-gutter-deep na baha ang naiulat sa E. Rodriguez-Araneta northbound pagkatapos ng intersection kaninang 8 a.m.

Noong Martes, sinabi ng state weather bureau PAGASA na ang Southwest Monsoon (Habagat) ay nakakaapekto sa Central at Southern Luzon at magdadala ng mga pag-ulan sa buong bansa.

Dagdag pa ng weather bureau na maaaring magpaulan ang habagat sa loob ng dalawang araw.

Ang Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bataan, at Zambales ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Southwest Monsoon.

Maaaring magkaroon ng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan, ayon sa PAGASA. RNT