Gwen Zamora at David Semerad, kinasal na!

Gwen Zamora at David Semerad, kinasal na!

December 15, 2022 @ 10:10 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Ikinasal na ang couple na sina Gwen Zamora at David Semerad.

Bukod dito, may pasabog ang couple because they are also expecting their second baby.

Mapapanood nga sa videos na kuha sa kanilang kasal ang pagpapaalala ni David sa lahat na ‘wag bigyan ng alak si Gwen dahil tatlong buwan na itong buntis.

Kinakilig naman ng netizens ang eksenang ito ni David.

Kinasal ang couple nitong December 12 where Gwen slayed in a beautiful white bridal gown, pareho ng kulay ng suot ni David.

Taong 2019 nang i-welcome ng couple ang kanilang first baby. 2021 naman nang una silang magpakasal at ito na nga, they married for the second time this year.

Congrats! Paula Jonabelle Ignacio