Habagat iiral sa Pinas; LPA ganap nang #DindoPH

Habagat iiral sa Pinas; LPA ganap nang #DindoPH

August 1, 2020 @ 8:33 AM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Mananaig ang hanging habagat sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, kanluran at gitnang Visayas, Mindanao, Zamboanga Peninsula, at BARMM, ayon sa PAGASA.

Ito ay sa kabila ng namuong Tropical Depression Dindo na matatagpuan sa layong 805 kilometrong silangan ng Tuguegarao City, Cagayan taglay ang 45 kph na hangin at may pagbugsong 55 km/h.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas din ng pag-ulan at maulap na himpapawid dala pa rin ng hanging habagat.

Samantala, nagbabala naman ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha o pagguho ng lupa sa kasagsagan ng buhos ng ulan, kulog, at kidlat. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...