Habagat, localized thunderstorms magpapaulan sa W. Luzon

Habagat, localized thunderstorms magpapaulan sa W. Luzon

August 13, 2022 @ 8:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Makaaapekto ang southwest monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng southern Luzon ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng bansa na sasabayan ng isolated rain showers o thunderstorms sa kanlurang bahagi ng bansa dulot ng southwest monsoon at ng localized thunderstorms.

Makararanas sa kanlurang bahagi ng Luzon ng light to moderate wind speed patungong southwest to west direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Samantala, makararanas sa natitirang bahagi ng bansa ng light to moderate wind speed patungong southwest to south direction na may slight to moderate coastal waters.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:42 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:20 ng hapon. RNT/SA