Habagat, LPA magpapaulan sa bahagi ng Luzon

Habagat, LPA magpapaulan sa bahagi ng Luzon

July 14, 2022 @ 6:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Patuloy na magpapaulan ang ang low pressure area at Southwest Monsoon o habagat sa pitong lugar sa Luzon, ayon sa PAGASA nitong Miyerkules ng gabi.

Namataan ang LPA 90 kilometro west northwest ng Itbayat, Batanes ng alas-10 ng gabi, base sa PAGASA/

“This weather disturbance remains less likely to develop into a tropical depression in the next 24 hours,” pahayag ng PAGASA.

Dahil dito, humina ang epekto ng Habagat at LPA.

Subalit, patuloy na mararanasana sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, anat  Kalayaan Islands ang kalat na pag-ulan sa susunod na 24 oras.

“PAGASA Regional Services Divisions will continue to issue thunderstorm and rainfall advisories as appropriate,” ayon sa state weather bureau. RNT/SA