Habagat/LPA magpapaulan sa NCR, Luzon, W. Visayas

Habagat/LPA magpapaulan sa NCR, Luzon, W. Visayas

July 13, 2022 @ 6:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Namataan ang isang Low Pressure Area (LPA) nitong Miyerkules ng alas-3 ng madaling araw, na tinatayang nasa 265 kilometro north northeast ng Casiguran, Aurora o 115 km east northeast ng Aparri, Cagayan sa patuloy na pagpapaulan ng habagat sa central at southern Luzon at Visayas, base sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Metro Manila, natitirang bahagi ng Luzon at Western Visayas na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa southwest monsoon / LPA.

Makararanas naman ang natitirang bahagi ng bansa ng maulap na kalangitan na sasabayan ng “isolated rain showers or thunderstorms due to the southwest monsoon / localized thunderstorms with possible flash floods or landslides during severe thunderstorms.”

Moderate to strong winds patungong southwest to south direction at moderate to rough coastal waters naman ang inaasahan sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Sa natitirang bahagi naman ng bansa, makararanas ng light to moderate winds patungong southwest to south direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:34 ng madaling araw at lulubog mamayang alas-6:30 ng hapon. RNT/SA