Habagat magpapaulan pa rin sa ilang lugar sa kupuluan

Habagat magpapaulan pa rin sa ilang lugar sa kupuluan

August 1, 2021 @ 8:33 AM 6 months ago


MANILA, Philippines – Magpapaulan pa rin ang habagat sa ilang parte ng bansa ngayong Linggo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Cagayan, Zambales, at Bataan.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng bansa ay makararanas ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may hiwa-hiwalay na pag-ulan at thunderstorms.

Babala ng ahensya na may posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa tuwing lalakas ang buhos ng ulan.

Samantala, aabot sa apat na metro ang mga alon sa mga baybayin ng Luzon at Visayas habang mahina hanggang sa katamtaman sa Mindanao.

Lulubog ang araw bandang 6:25 ng gabi. RNT/ELM