Habagat magpapaulan pa rin sa Ilocos, Batanes, Babuyan Islands

Habagat magpapaulan pa rin sa Ilocos, Batanes, Babuyan Islands

August 8, 2021 @ 8:30 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Magpapaulan pa rin ang habagat sa ilang bahagi ng hilagang Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstirms ang Ilocos Region, Batanes at Babuyan Islands bunsod ng habagat.

Ang Metro Manila at nalalabing parte ng bansa ay magiging bahagya hanggang sa maulap na may hiwahuwaly nap ag-ulan dala bg habagat at localized thunderstorms.

Babala ng PAGASA may posibilidad ng pagbaba at pagguho ng lupa sa tuwing lalakas ang buhos ng ulan.

Samantala, aabot sa hanggang apat na metro ang mga alon sa mga baybayin ng Luzon habang hanggang 2.8 metro sa Visayas.

Mahin hanggang sa katamtaman naman sa mga baybayin ng Mindanao.

Nananatili namang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Tropical Storm Lupit pati na si Tropical Storm Mirinae. RNTELM