Habagat magpapaulan sa 9 lugar sa Pinas

Habagat magpapaulan sa 9 lugar sa Pinas

July 18, 2022 @ 6:47 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Makaaapekto ang Southwest Monsoon o habagat ngayong Lunes at magdadala ng mga pag-ulan sa ilang lugar sa bansa, ayon sa pagtataya ng panahon ng PAGASA.

Ang Bicol Region, Mimaropa, Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.

Ang mga flash flood o landslide ay maaaring magresulta sa panahon ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Samantala, ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng monsoon at localized thunderstorms.

Sa panahon ng matinding bagyo, maaaring magkaroon ng flash flood o landslide.

Sumikat ang araw bandang alas-5:36 ng umaga habang ang lulubog ito alas-6:29 ng gabi. RNT