Habagat magpapaulan sa bahagi ng bansa

Habagat magpapaulan sa bahagi ng bansa

August 10, 2022 @ 6:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Makaaapekto ang southwest monsoon o habagat wisa kanlurang bahagi ng Luzon ngayong Miyerkules, ayon sa PAGASA.

Binabantayan din ng weather bureau ang aktibong tropical cyclone sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Namataan ang Tropical Storm Mulan 880 kilometro kanluran ng northern Luzon na may maximum sustained winds na 65 kilometers per hour malapit sa sentro at may gustiness hanggang 80 km/h patungo sa north northwest direction at may bilis na 20 km/h.

Magiging maulap ang kalangitan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan at Kalayaan Islands na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa southwest monsoon.

Maulap din sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa na sasabayan naman ng bahagyang pag-ulan dahil sa southwest monsoon andat  localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa kanlurang bahagi ng Luzon ay moderate to strong patungong southwest to southeast direction habang ang coastal waters ay inaasahang moderate to rough.

Mararanasan naman sa natitirang bahagi ng bansa ang light to moderate wind speed patungong south to southeast direction habang ang coastal waters ay slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:41 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:22 ng hapon. RNT/SA