Habagat magpapaulan sa bansa

Habagat magpapaulan sa bansa

August 25, 2022 @ 6:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Matapos lumabas sa bansa ang Severe Tropical Storm Florita nitong Miyerkoles, patuloy pa rin itong mino-monitor ng PAGASA.

Huling namataan si Florita sa 905 kilometro sa kanluran ng extreme Northern Luzon na may maximum sustained winds na 100 kilometro. kada oras malapit sa gitna, pagbugsong aabot sa 125 km/h at kumikilos sa direksyong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 km/h.

Samantala, makaaapekto naman sa bansa ang hanging Habagat na makapagpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas, dagdag oa ng weather bureau.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog na dulot ng mga localized thunderstorm na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.

Ang kanlurang bahagi ng Luzon ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na bilis ng hangin na kumikilos sa timog-kanluran hanggang timog habang mananatiling katamtaman hanggang sa maalon ang mga baybaying dagat.

Sumikat ang araw bandang 5:43 a.m., at lulubog mamayang 6:13 p.m. RNT