Habagat magpapaulan sa bansa

Habagat magpapaulan sa bansa

September 19, 2022 @ 6:45 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Patuloy na nakaaapekto ang Southwest Monsoon (Habagat) sa kanlurang bahagi ng Central at Southern Luzon ngayong Lunes at nagpapaulan sa bansa, ayon sa PAGASA sa weather forecast nito.

Magiging maulap ang kalangitan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at sa hilagang bahagi ng Palawan kabilang ang Kalayaan Islands na sasabayan ng scattered rain showers at thunderstorms.

Posible itong magsulot ng flash floods o landslides.

Samantala, makararanas sa natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies” na sasabayan ng isolated rain showers o thunderstorms dahil sa monsoon at localized thunderstorms.

Ang coastal waters ay magiging moderate sa Extreme Northern Luzon, aat nd slight to moderate sa natitirang bahagi ng bansa.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:45 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:55 ng hapon. RNT/SA