Habagat magpapaulan sa CAR, 4 pang lugar

Habagat magpapaulan sa CAR, 4 pang lugar

August 3, 2022 @ 6:45 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Makaaapekto ang southwest monsoon (Habagat) sa kanlurang bahagi ng Northern Luzon ngayong Miyerkules, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Cagayan at Batanes na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa monsoon.

Magiging maulap din ang kalangitan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa pna sasabayan naman ng isolated rain showers o thunderstorms dahil sa southwest monsoon at localized thunderstorms. 

Ang wind speed forecast para sa kanlurang bahagi ng northern Luzon ay light to moderate patungong southwest to south direction habang ang coastal waters ay inaasahang magiging slight to moderate.

Mararanasan naman sa natitirang bahagi ng Luzon ang light to moderate wind speed patungong southeast to south direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Inaasahan sa natitirang bahagi ng bansa ang light to moderate wind speed patungong southeast to east direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate

Sumikat ang araw kaninang alas-5:40 ng umaga at lulubog mamayanag alas-6:25 ng hapon. RNT/SA