Habagat magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon

Habagat magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon

July 15, 2022 @ 6:47 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Makaaapekto ang habagat sa pagdadala ng maulap na papawirin, at mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng hilaga at gitnang Luzon sa Biyernes, iniulat ng PAGASA.

Ang Kanlurang Visayas ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng habagat na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog kadalasan sa kanlurang bahagi ng Luzon dahil sa habagat / localized thunderstorms na may posibleng mga pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat.

Sumikat ang araw bandang 5:35 a.m., habang lulubog ito ng 6:29 p.m. RNT