Habagat magpapaulan sa Ilocos, 4 pang lugar

Habagat magpapaulan sa Ilocos, 4 pang lugar

August 2, 2022 @ 6:45 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Patuloy na makaaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat will sa Luzon ngayong Martes, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Bataan and Zambales na sasabayan ng kalat na pag-ulan. Posible naman ang pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa Metro Manila naman at natitirang bahagi ng bansa, magiging maulap ang kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa monsoon at localized thunderstorms. 

Makararanas sa Luzon ng light to moderate wind speed patungong southeast to south direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Ang wind speed forecast naman sa natitirang bahagi ng bansa ay light to moderate patungong eastward habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:40 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:25 ng hapon. RNT/SA