Habagat magpapaulan sa Mimaropa, W. Visayas, Zamboanga

Habagat magpapaulan sa Mimaropa, W. Visayas, Zamboanga

July 17, 2022 @ 8:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Makaapekto ang habagat sa Mimaropa, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula na makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ngayong Linggo, ayon sa PAGASA.

Ang mga flash flood o landslide ay posibleng mangyari sa panahon ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.

Kasalukuyang nakakaapekto ang monsoon sa western section ng Luzon.

Samantala, ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms. Sa panahon ng matinding bagyo, maaaring magresulta ang flash flood o landslide.

Ang mga tubig sa baybayin ay magiging bahagyang hanggang katamtaman sa buong bansa.

Ang pagsikat ng araw ay alas-5:35 ng umaga habang ang paglubog ng araw ay alas-6:29 ng gabi. RNT