Habagat magpapaulan sa Mindoro, 3 iba pang probinsya

Habagat magpapaulan sa Mindoro, 3 iba pang probinsya

September 14, 2022 @ 6:30 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaasahang magdadala ng maulap na kalangitan na mayroong mga pag-ulan ang southwest monsoon o Habagat sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Visayas.

Ito ang iniulat ng PAGASA ngayong araw, Setyembre 14 partikular na sa mga probinsya ng Occidental Mindoro, Palawan, Aklan at Antique.

Posible ang banta ng pagbaha o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan.

Ang nalalabing bahagi naman ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay magkakaroon ng mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil din sa Habagat. RNT/JGC