Habagat magpapaulan sa NCR, 7 pang lugar



Habagat magpapaulan sa NCR, 7 pang lugar

June 8, 2021 @ 6:02 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan ang habagat sa Metro Manila at pito pang lugar ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa forecast ng ahensya magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Central Luzon, Western Visayas, Pangasinan, Cavite, Batangas, Palawan, at Mindoro Provinces.

May posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar sa tuwing lalakas ang buhos ng ulan.

Makakaapekto rin ang monsoon at Intertropical Convergence Zone sa nalalabing parte ng bansa kung saan magiging bahagya hanggang sa maulap na may hiwa-hiwalay na pag-ulan at thunderstorms.

Posible rin ang mga pagbaha at pagguho ng lupa. RNT/ELM


  •  
  •  
  •