Habagat magpapaulan sa northern, central Luzon

Habagat magpapaulan sa northern, central Luzon

August 17, 2022 @ 6:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines-  Makaaapekto ang southwest monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng northern at central Luzon ngayong Miyerkules, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Ilocos Region, Zambales, at Bataan wna sasabayan ng kalat na pag-ulan dulot ng southwest monsoon o habagat.

Magiging bahagyang maulap naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa na sasabayan ng isolated rain showers o thunderstorms dahil sa southwest monsoon at localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Luzon at Visayas ay light to moderate patungong southwest to south direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Makararanas naman sa Mindanao ng light to moderate patungong south to southwest direction habaang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:42 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:18 ng gabi. RNT/SA