Habagat magpapaulan sa Pinas

Habagat magpapaulan sa Pinas

September 18, 2022 @ 8:29 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Magpapaulan ang Habagat sa ilang bahagi ng bansa ngayong Linggo, ayon sa PAGASA.

Ang Bataan, Occidental Mindoro, at ang hilagang bahagi ng Palawan kabilang ang Kalayaan Islands ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Habagat.

Ibinabala rin ang posibleng rumaragasang baha at landslide bunsod ng katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Samantala, ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay inaasahang magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng monsoon at localized thunderstorms.

Sumikat ang araw bandang alas-5:45 ng umaga habang lulubog ito alas-5:56 ng hapon. RNT