Habagat magpapaulan sa Zambales, Bataan, 9 pang lugar

Habagat magpapaulan sa Zambales, Bataan, 9 pang lugar

September 15, 2022 @ 6:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Makaaapekto ang southwest monsoon o habagat sa Southern Luzon, Visayas, at sa western section ng Mindanao, batay sa PAGASA.

Binabantayan din ng weather bureau ang aktibong tropical cyclone, na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Hanggang nitong alas-5 ng umaga, inanunsyo ng PAGASA na mas lumakas pa si Nanmadol bilang isang Severe Tropical Storm.

Ang sentro ng Severe Tropical Storm ay tinatayang nasa 1,830 kilometers east northeast ng extreme Northern Luzon (sa labas ng PAR) na may maximum sustained winds na 95 kilometers per hour nmalapit sa sentro, gustiness hanggang 115 km/h, central pressure na 985 hPa, at kumikilos patungong west northwestward sa bilis na 15 km/h.

Tinatayang unti-unting kikilos si Nanmadol patungong west northwestward ngayong araw hanggang bukas, at posibleng pumasok sa PAR region mamayang gabi o sa Biyernes ng umaga. Kapag nasa loob na ng PAR, ikakasa ang domestic name na “JOSIE” sa tropical cyclone.

Magiging maulap naman ang kalangitan sa Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Palawan, Aklan, Antique, Negros Occidental, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi na sasabayan ng scattered rain showers and thunderstorms dulot ng southwest monsoon.

Makararanas naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng partly cloudy to cloudy skies na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa southwest monsoon at localized thunderstorms.

Inaasahan naman sa Southern Luzon, Visayas at sa western section ng Mindanao moderate wind speed patungong southwest to west habang ang coastal waters ay magiging moderate.

Tinataya naman sa Northern at Central Luzon ay makararanas ng light to moderate wind speed moving sa northwest to west direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Mararanasan sa natitirang bahagi ng Mindanao ang light to moderate wind speed patungong southwest to west direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:45 ng umaga, at lulubog mamayang alas-5:58 ng hapon. RNT/SA