Habagat patuloy na magpapa-ulan sa Luzon

Habagat patuloy na magpapa-ulan sa Luzon

July 24, 2018 @ 8:42 AM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Asahan ang panaka-naka hanggang malakas na ulan sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro, at Palawan dahil sa southwest monsoon o habagat, ayon sa PAGASA.

Mararamdaman din ang light to moderate na pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, at Western Visayas.

Magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may pabugso-bugsong pag-ulan sa ibang bahagi ng Luzon at Visayas habang ang Mndanao naman ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kaunting pag-ulan.

Ang hangin naman sa mula sa timogkanluran hanggang timog sa northern at Central Luzon ay nasa moderate to strong kung saan ang tubig sa baybayin ay moderate to rough. (Remate News Team)