Habagat, patuloy na magpapaulan hanggang Linggo – PAGASA

Habagat, patuloy na magpapaulan hanggang Linggo – PAGASA

August 9, 2018 @ 8:59 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Patuloy na magdadala ng pag-ulan ang southwest monsoon o habagat sa iba’t ibang bahagi ng bansa hanggang Linggo dahil mas palalakasin pa ito ng bagyong Karding at ng binabantayan low-pressure area (LPA).

Ayon sa 5 a.m. advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Karding sa 1,265 kilometers silangan ng Basco, Batanes na may dalang hangin na nasa 65 kilometers per hour (kph) at bugsong 80 kph.

Ito ay gumagalaw patungong hilaga hilagang silangan sa bilis na 15 kph at inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) gabi ng Biyernes o Sabado ng umaga.

Samantala, ang LPA naman ay huling namataan sa 730 kilometers kanluran ng hilagang Luzon.

Ayon pa kay PAGASA weather specialist Meno Mendoza, ang habagat ay patuloy na maghahatid ng light to moderate na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas hanggang Biyernes.

Kalat-kalat na moderate to heavy rains naman ang mararanasan sa kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon sa weekend.

Nagbabala rin ang PAGASA sa posibleng pagbahala sa mababa at bulubunduking lugar na maapektuhan ng habagat. Remate News Team