Habagat pinalakas pa ng LPA

Habagat pinalakas pa ng LPA

July 30, 2020 @ 3:28 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Patuloy na magpapaulan sa buong bansa hanggang Biyernes ang Habagat na pinalakas pa ng isang low-pressure area (LPA)

Ayon sa state weather bureau ng PAGASA, ang mga lugar na nasa ibaba ay makararanas ng monsoon rains:

  • Batanes

  • Eastern Cagayan Including Babuyan Island

  • Eastern Isabela

  • Aurora

  • Pangasinan

  • Zambales

  • Bataan

  • Mindoro Provinces

  • Romblon

  • Palawan

  • Antique

  • Zamboanga Peninsula

  • Basilan

  • Sulu

  • Tawi-tawi

Mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan naman na may kasamang malalakas na bugso ng ulan ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at Western Visayas.

“Flooding and rain-induced landslide may occur during heavy or prolonged rainfall especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazards,” babala ng PAGASA.

Epektibo naman ang Gale Warning sa mga baybayin ng Batanes at Babuyan Islands kung saan nagbabala ang ahensya ng mga pag-alon na posibleng umabot sa 2.5 hanggang 3.1 meters.

“Those with small sea crafts are advised not the venture into northern and western seaboards of Luzon and the western seaboards of Visayas due to moderate to rough seas (1.2-2.5 m),” dagdag pa ng ahensya.

Mababa naman ang tiyansa na lumakas pa ang LPA sa Tropical Depression sa susunod na 24 hours.

 “It is forecast to continue moving west-northwestward and may exit the Philippine Area of Responsibility in the next 24 hours,” dagdag pa ng PAGASA. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...