Habal-habal riders maghahakot ng basura sa mga estero

Habal-habal riders maghahakot ng basura sa mga estero

September 15, 2020 @ 5:55 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakita ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang innovative na solusyon sa problema ng paghahakot ng basura sa komunidad ng estero sa kahabaan ng Tullahan-Tinajeros River System gamit ang kanilang bersyon mula sa “habal-habal”

Nabatid na ang “poor man’s motorcycle taxi” na habal-habal na isang improvised two-wheeled single motorcycle na ginagamit bilang passenger capacity lamang.

Subalit may sariling bersyon dito ang DENR na bilang isang utility vehicle na ginagamit bilang eco-friendly bicycle na may automatic foot break at may two-by-three sidecar para makahakot na mga basura ng kabahayan.

Ayon kay DENR Secretary Roy A. Cimatu ang habal-habal ay gagamitin para sa pangongolekta ng basura mula sa mga komunidad ng estero na hindi naaabot ngmga dump truck at ang iba pang hindi nahahakot na basura sa Manila Bay.

Sa ibinigay na pag-aaral ng DENR, sinabi ni Cimatu na ang mga basura na nakukuha sa komunidad ng mga estero sa mga iskinita at alleys at hindi regular na nakokolekta dahil hindi ito madaanan ng mga dump truck.

“The accumulated uncollected wastes do not only pose health risks to the communities, but also clog canals, causing flooding in these areas. Uncollected garbage also end up in coastlines and waters of Manila Bay,” ayon pa kay Cimatu.

Si Cimatu na chairs ng Manila Bay Task Force ay nagsabi na ang tamang paghahakot ng basura at regular na cleanup sa mga estero ay isang malaking hakbang para muling mai-rehabilitate ang historic bay.

“Tough problems involving the presence of informal settlers directly dumping to the esteros, non-compliance of industries with discharge permitting regulations and lack of sewage management system are also being addressed under the Manila Bay Rehabilitation Program,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Cimatu ang DENR ay mamamahagi ng habal-habals sa sampung (10) barangay sa Tullahan-Tinajeros River System  na isang mataas na bilang ng informal settler families sa lugar na hindi naaabot ng truck para mahakot ang basura. Santi Celario


  •  
  •  
  •  

Loading...