Habang tumotoma sa kalsada: trayk driver, isa pa, todas sa riding-in-tandem

Habang tumotoma sa kalsada: trayk driver, isa pa, todas sa riding-in-tandem

June 25, 2018 @ 2:59 PM 4 years ago


 

Rizal – Todas ang dalawang lalaki makaraan silang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nag-iinuman sa kalsada sa Barangay Pinugay, Baras, Rizal kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo ang mga biktima na nakilalang sina Ramon Mirasol, 52; at ang 47 anyos na traysikel drayber na si Antonio Diaz, kapwa residente ng Block 18F Lot 13, Purok 5, Southvill 9 Subdivision.

Ayon sa imbestigasyon ng Baras police, ganap na alas 7:30 ng gabi habang masaya umanong nag-iinuman ang dalawang biktima sa labas ng bahay ni Mirasol sa naturang lugar nang biglang sumulpot sa kanilang harapan ang dalawang armadong lalaking sakay sa motorsiklo at agad silang pinaputukan ng mga ito.

Matapos ang krimen ay tumakas ang riding-in-tandem sa hindi matukoy na direksyon.

Isa sa mga motibong sinisilip ng pulisya sa pamamaslang sa mga biktima ay kung dawit ang mga ito sa iligal na droga. (Jeff Gallos)