Hakbang ng Tsina sa pagbisita ni Pelosi sa Taiwan, mahigpit na binabantayan – Malakanyang

Hakbang ng Tsina sa pagbisita ni Pelosi sa Taiwan, mahigpit na binabantayan – Malakanyang

August 3, 2022 @ 6:48 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Mahigpit na mino-monitor ng Malakanyang ang hakbang ng China bilang tugon sa pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sanib-puwersa ang military at Department of Foreign Affairs sa pagmo-moniyor ng situwasyon “as they would in any other similar circumstance.”

“On matters of international relations, reactions are studied. We don’t make knee-jerk reactions because they could adversely affect international relations,” ayon kay Cruz-Angeles

Sa kabilang dako, ayaw namang magkomento ni Cruz-Angeles sa apela ni Chinese Ambassador Huang Xilian sa Pilipinas na mahigpit na sundin ang One-China policy.

“There is no reaction. Usually, when it’s a matter of international relations, we take time to study the matter and do not react immediately. Loose words might affect relationships and [they’re] very difficult to rebuild,” ayon kay Cruz-Angeles.

“So we will take our cue from the Department of Foreign Affairs if such a reaction is even warranted,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose