Hakbang upang maiwasang pumasok ang ibang COVID variant sa bansa inilahad ng DOH

Hakbang upang maiwasang pumasok ang ibang COVID variant sa bansa inilahad ng DOH

July 10, 2021 @ 3:55 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Health na hindi lamang ang ‘travel ban’ ang ginagawang strategies na ipinapatupad  upang maiwasan ang pagpasok ng variant sa ating bansa.

Ito ang komento ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa umanoy mabagal magsara ng border ang  ansa kaya nakapasok  ang variants simula noong nakaraang taon.

Ayon kay Vergeire, maliban sa travel ban, mayroon ding control sa borders natin kung saan base sa mga naoobserbahan ay nirerebisa ang  protocols  kaya naman aniya naging 10-4 ang quarantine at testing sa mga borders.

Bukod din aniya sa travel ban at border control, meron ding safeguards sa mga komunidad na kung sakali aniyang dumating sa komunidad ay protektado pa rin laban sa mfa variants.

“We have this strategy and framework we call that ‘Four-Door Policy’ na ito, this is adopted from the WHO and other reputable international organizations for health kung saan  sinsabi na side from travel ban  mayroon kap dapat iinstitute  diyan sa iyong bansa parama-contain mo ang transmission ng sakit,” paliwanag pa ni Vergeire.

Kung titignan naman aniya natin, nagiging epektibo ang mga ginagawa ng gobyerno.

Pagdating naman sa whole genome sequencing, sinabi ni Vergeire na nais pang palawakin ang bio survellaince sa bansa

Aniya, napakakritikal lalo na ngayong panahon ng pandemya ngunit sa mga bio survellaince ginagawa ngayon ay agad nade-detect ang mga variant na meron sa ating bansa.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)