Halal COVID vax dapat na i-arrange sa pagtutol ng Mindanao — NTF adviser

Halal COVID vax dapat na i-arrange sa pagtutol ng Mindanao — NTF adviser

January 25, 2022 @ 6:50 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Sinabi ni National Task Force Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na ang COVID-19 vaccines na Halal ay dapat na i-arrange para sa mga taong mas gusto ito.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Herbosa ang pahayag niyang ito kasunod ng sentimyento ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may ilang komunidad sa Mindanao ang tumututol sa bakuna dahil sa kanilang paniniwala.

“Very important na mag-align tayo kung ang gusto nila ay halal-type vaccine.”

Enero 2021, inihayag ni dating Food and Drug Administration (FDA) chief Eric Domingo na ang COVID-19 vaccine makers ay gumagawa ng paraan upang makakuha ng Halal certification para sa kanilang mga produkto.

Nagpahayag naman ng pag-alala ang Bangsamoro Region leaders para sa COVID-19 vaccines.

Para sa National Commission on Muslim Filipinos ang “Halal” ay Arabic na ang ibig sabihin ay “permissible” at sa “food and non-food products that are lawful for consumption.”

Maging base sa Shari’ah law, “the concept covers other transactions including banking, finance and other activities Islam believers are engaged in.”

Sa Talk to the People ng Pangulo, Lunes ng gabi, sinabi ng Pangulo na ang Muslim community sa bansa ay naniniwala na hindi sila pinapayagan na tumanggap ng bakuna dahil sa kanilang kultura at relihiyon.

“I might be mistaken, it could be that or something else sa culture nila… But in Mindanao, just an information, in Mindanao, the Muslim community are resisting the bakuna even the Tausugs.” RNT/FGDC