Halalan 2022 bets kanya-kanyang diskarte para sa ‘blue badge’ ng socmed sites

Halalan 2022 bets kanya-kanyang diskarte para sa ‘blue badge’ ng socmed sites

December 13, 2021 @ 6:00 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Nagmamadali na ang mga kandidato para sa Halalan 2022 na makakuha ng “blue badge” sa kani-kaniyang social media pages upang maskasunod sa bagong alituntunin ng Commission on Elections’ (Comelec) na naglilimita sa political advertisements para sa “verified” accounts. 

Personal na hinikayat nina Kiko Pangilinan, Chel Diokno, at Neri Colmenares ang kabilang mga taga-suporta na mag-subscribe sa kani-kaniyang Youtube channel para magkaroon sila ng blue badge.

Sa ilalim ng alituntunin ng YouTube, ang mga channels lamang na may 100,000 subscribers pataas ang maaaring mag-apply para sa beripikasyon.

“I need your help. I’m told I need 100,000 subscribers to have my YouTube channel verified so I can post my ads and campaign videos,” panawagan ni Colmenares, na kandidato sa pagka-senador.

“Ayon sa bagong rules para sa digital campaigns sa #Halalan2022, kailangan verified raw ang account natin sa YouTube… Samahan niyo ako sa ating biyahe sa YouTube,” ayon naman sa tweet ni vice presidential aspirant Pangilinan.

“Hindi pa verified ang ating YouTube channel. Kinakailangang umabot sa 100,000 subscribers para ma-verify. Kaya, I am asking for your help to reach that goal,” sabi ni Senatorial bet Diokno.

Samantala, umapela naman ang volunteers ni presidential aspirant Leni Robredo para sa kanya.

Noong Nobyembre 17, ipinasa ng Comelecang resolution 10730, na nagtatalaga ng rules and regulations ng Republic Act No. 9006 o Fair ElectionsAct.

Nakasaad sa IRR na maaaring gamitin sa election propaganda ang internet, mobile platforms, at social media.

“Each…candidate shall register with the Education and Information Department of the Comelec the website name and web address of all platform-verified official accounts, websites, blogs and/or other social media pages of… candidate,” saad nito.

Dagdag pa dito, tanging platform-verified accounts “may run electoral ads, and boost or promote electoral posts.”

Sa serye ng mga tweet, iginiit ni election lawyer Emil Marañon ang tuntunin bilang “unconstitutional.”

“I still think that this is unconstitutional… I just hope Comelec wakes up from this madness and reconsider this very arbitrary policy,” aniya. RNT/SA