Halalan 2022 overseas absentee voting sa northeast US ‘di pa umaarangkada
April 11, 2022 @ 9:42 AM
3 months ago
Views:
303
Shyr Abarentos2022-04-11T09:42:02+08:00
NEW YORK – Libo-libong mga Pilipinong botante sa northeast US ang hindi pa rin nakaboboto nitong Linggo, sa unang araw ng overseas absentee voting (OAV) para sa Halalan 2022.
Ito ay dahil sa pagkaantala sa pagdating ng vote counting machines, official ballots at election paraphernalia na gagamitin ng Philippine Consulate General sa New York para sa OAV.
Ang mga apektadong rehistradong Pilipinong mga botante ay mula sa mga sumusunod na lugar:
-
New York;
-
New Jersey;
-
Boston, Massachusetts;
-
Connecticut;
-
Pennsylvania;
-
Main;
-
Vermont;
-
Rhode Island;
-
New Hampshire;
-
Delaware; at
-
Maryland.
Ilang miyembro ng Filipino-American community maging mga militanteng grupo ang nagpahayag ng pagkadismaya sa pagkaantala sa OAV.
Sa isang liham, nanawagan sila para sa paliwanag ukol sa nasabing pagkaantala:
“As Filipino citizens and members of the Filipino-American community, we are outraged by the Philippine Consulate General New York’s public advisory regarding delays in the transport of election materials for the 2022 Philippine National Elections and the general lack of timely information on the voting process. We consider this unacceptable, as it has the effect of disenfranchising voters in the Northeastern United States. It also raises reasonable concerns that the COMELEC and the Philippine Consulate in New York might be intentionally and purposefully denying our constitutionally protected right to vote in this year’s elections,” saad sa liham.
“We demand an explanation for the delay and lack of transparency from the Philippine Consulate and the Commission on Elections,” giit pa sa liham. RNT/SA
June 30, 2022 @9:33 AM
Views:
6
MANILA, Philippines – Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng television at radio companies na magsumite ng kanilang block time deals para sa ‘approval’ ng ahensiya.
Nakasaad sa memorandum na ipinalabas ng NTC na may petsang Hunyo 23, ang mga block time deals ay hindi dapat na mahigit sa 50% ng daily airtime broadcast ng radio o television station.
“Authorized radio and television broadcast entities, its management and board of directors shall be solidary liable with the block timer for any violation committed by the block timer arising from the content or programs under the block time agreements,” ang nakasaad sa memorandum ng NTC.
Kontra naman ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas sa nasabing direktiba.
“We believe it is the station’s prerogative to choose the type of programs they will adopt whether it is station produced, co-produced with another party or [throgh] blocktime with 3rd party. We believe NTC has no jurisdiction over content,” ayon kay KBP President Herman Basbano sa isnag kalatas.
“Our position should have been heard before the issuance of this order on blocktime. Nonetheless [we] will present our opposition and our position in the NTC hearing [which] was reportedly scheduled on July 11,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, ang dating media giant ABS-CBN, na nawalan ng kanilang operating franchise noong 2020, pumasok sa block time agreements sa Zoe Broadcasting Network at TV5 para i-ere ang kanilang mga palabas sa “free television.” Kris Jose
June 30, 2022 @9:20 AM
Views:
15
MANILA, Philippines – Lilipad patungong Estados Unidos si Vice President-elect Sara Duterte matapos imbitahan na dumalo sa isang education-related side event ng United Nations (UN) bago pa ang general assembly nito sa Setyembre.
Looking forward naman si Duterte na bisitahin ang Amerika ngayong taon.
“Very, very articulate si vice president in telling the second gentleman (US Second Gentleman Douglas Emhoff) and his party that the relationship is really good and strong and that she looks forward to going to the United States some time this year,” ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose Romualdez sa mga mamamahayag matapos na makipagkita ang mga delagado mula sa Estados Unidos kay Duterte, araw ng Miyerkules.
“VP Sara was invited for a side event of the United Nations, something to do with education,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang, itinalaga ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Duterte na pamunuan ang Department of Education.
“The said event will take place ahead of the UN General Assembly in New York on September 20,” ayon kay Romualdez.
“She’ll be there before the assembly…before September 20th,” aniya pa rin. Kris Jose
June 30, 2022 @9:05 AM
Views:
15
MANILA, Philippines – Wala pa ring maswerteng nakatutumbok ng anim na numero sa Grand Lotto 6/55 draw kaya umabot na sa higit P300,000,000 ang jackpot prize rito.
Sa bola nitong Miyerkoles ng gabi, walang nakahula sa winning number combination na 07-09-51-02-24-39, kung saan nasa P298,452,472. ang premyo.
Sa Sabado, Hulyo 2, ang susunod na draw sa Grand Lotto 6/55.
Samantala wala ring tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45, na may premyong P8,910,000.00.
Ang mga lumabas na numero ay 39-10-07-42-36-22. RNT
June 30, 2022 @8:52 AM
Views:
21
DAVAO CITY – Sinakal hanggang sa mamatay ang 30-anyos na babae matapos na hindi ituloy ang kasal sa kanyang kinakasama.
Kinilala ang suspek na si Maliry Bitil Gumanan, 35-anyos, residente ng bayan ng Magsaysay sa Davao del Sur.
Lumabas sa imbestigasyon ng Davao Police Office na natagpuang patay ang biktimang si Joan Balabagan Lintang sa loob ng rest room sa isang inn sa kahabaan ng C.M. Recto sa Barangay 35-D noong Hunyo 26.
Sinabi ng mga awtoridad na nag-check-in ang mag-asawa sa inn bandang alas-12 ng tanghali. Gayunpaman, nagkaroon sila ng away matapos na ipagpaliban ng biktima ang kanilang kasal.
Sinakal ni Gumanan si Lintang hanggang sa mamatay pagkatapos ay itinago ang katawan ng biktima sa loob ng rest room bago tumakas sa pinangyarihan ng krimen.
Dahil sa konsensya, sumuko ang suspek sa Magsaysay Municipal Police Station (MMPS).
Kalaunan ay ipinaalam ng MPPS sa San Pedro Police Station sa Davao City ang insidente.
Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya si Gumanan at nahaharap sa kasong homicide. RNT
June 30, 2022 @8:39 AM
Views:
23
MANILA, Philippines – Nakatakdang iapela ng Rappler ang desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na nagpapatibay sa naunang desisyon nito na bawiin ang lisensya ng news site na maaaring humantong sa kanilang pagsasara.
Sa isang press conference matapos kumpirmahin ng SEC ang desisyon nito sa en banc, sinabi ng abogado ng Rappler na si Atty. Sinabi ni Francis Lim na ang pagpapatigil sa operasyon ng Rappler ay hindi final at executory.
“The present decision that we are now discussing is a decision that can be appealed directly to the Court of Appeals via what we call a petition to review,” ani Lim.
“And we have 15 days from yesterday to file a petition for review or what the layman know, appeal to the Court of Appeals. From Court of Appeals, we will have a chance to file a motion for reconsideration with CA. (Just) in case CA disagrees with us, and we will have the final appeal all the way to Supreme Court,” dagdag pa niya.
Ipinunto ni Lim, na minsang nagsilbi bilang presidente at CEO ng Philippine Stock Exchange, na ang Philippine Depositary Receipts (PDRs) ay hindi katulad ng pagmamay-ari ng shares of stocks.
Binanggit ng SEC ang naunang desisyon nito na kumukuwestiyon sa mga PDR ng Rappler, na sinabi nitong lumabag sa batas na nagbabawal sa pagmamay-ari ng dayuhan sa mass media entity sa bansa.
”I’ve come from the stocks exchange and there is a very big difference between depositary receipts and shares of stocks. So that’s one area of contention. And we do hope, due to the significance against and its implications especially on press freedom, the Supreme Court will finally resolve that very important issue,” paliwanag pa niya.
Maaari rin silang humingi ng pansamantalang restraining order kung ipapatupad ang desisyon ng SEC.
Sinabi ng Rappler co-founder at CEO na si Maria Ressa na sila ay business as usual pa rin sa sa kabila ng pinakabagong desisyon ng SEC.
”We’ll continue to do our jobs. Our reporters… we continue to hold the line. We’ll continue to report and we’ll continue to demand that access is there. I appeal to journalists in the Philippines, all around the world, that we hold our rights together because if we give it up just a little bit, we begin to lose. That’s what I call death by a thousand cuts,” aniya.
May apela rin si Ressa kay incoming President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
”I continue to appeal to work to the incoming admin, to work with journalists. We’re here to help you give a better future for the Philippines. We’re not your enemies,”
Bukod sa SEC case, may limang tax evasion cases sina Ressa at Rappler na isinampa laban sa kanila, isang anti-dummy case, at isang cyber libel case sa apela. RNT