Half Pinay Olivia Rodrigo, dominado ang US Billboard!

Half Pinay Olivia Rodrigo, dominado ang US Billboard!

February 6, 2021 @ 1:30 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

New York, USA – Nakakalula ang taas ng lipad ng recording career ng half-Pinay na si Olivia Rodrigo, na ang ama ay purong Pinoy.

 

Headline ng report sa Billboard website: “Olivia Rodrigo Doubles Up on Global Charts as ‘All I Want’ Joins ‘Drivers License’.”

 

Umabot sa dalawang linggo ang pagiging number 1 sa Billboard 100 ng stand-alone single n’yang “Drivers License.” (Ang ibig sabihin ng “stand alone” ay hindi bahagi ng isang album kundi single lang talaga.)

 

Sa latest chart, pumasok naman uli ang kanta n’yang “All I Want” na nu’ng Enero pa nang nakaraang taon ini-release. 

 

Ang “All I Want” ay isang kanta mula sa Disney Channel series na “High School Musical: the Musical: The Series,” kung saan siya ang lead actress. 

 

Nu’ng January 2020, umabot ‘yon sa No. 90 sa U.S-based Billboard Hot 100. Sariling composition ni Olivia ang “All I Want.”

 

Ginunita ng latest report sa Billboard na ang “Drivers License” ay dinomina ang streaming-and-sales-based Billboard Global 200 at Billboard Global Excluding U.S. charts nang tag-dalawang linggo.

 

Nakatanggap ang “Drivers License” ng 138.9 million streams (pagpapatugtog) sa buong mundo nu’ng linggong nagtapos nu’ng January 21, ayon sa ulat ng MRC Data.

 

Sa mga teritoryo sa labas ng Amerika, umabot sa 80.1 million ang nagpatugtog ng kanta. 

 

Amerikanang may dugong German at Irish ang ina ni Olivia. Naikwento na n’ya sa media na sa bahay nila ay buhay na buhay ang kulturang Pinoy lalo na sa kusina at kumedor. Nasa bahay raw kasi nila ang lola at lolo n’ya na purong Pinoy kaya’t napakadalas nilang magluto at kumain ng putaheng Filipino. 

 

Sariling komposisyon din ni Olivia ang “Drivers License” tungkol sa pagtatamo ng isang babaeng teenager ng lisensya sa pagmamaneho para mas madali at mas madalas siyang makipagkita sa boyfriend na malayo ang tinitirhan. Pero madidiskubre n’yang may bago ng girlfriend ang boyfriend n’ya. Danny Vibas


  •  
  •  
  •