Halos 1.9M AstraZeneca dose dumating na sa Pinas

Halos 1.9M AstraZeneca dose dumating na sa Pinas

January 21, 2022 @ 3:50 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Tinanggap ng Pilipinas nitong Biyernes ang 1,877,600 doses ng AstraZeneca coronavirus disease (COVID-19) vaccine, sa pagtugon ng bansa sa mga naitatalang kaso ng virus dulot ng Omicron variant.

Binili ng pribadong sektor ang AstraZeneca shots, at dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 karga ng China Airlines flight CI701 bago sumapit ang alas-10 ng umaga.

Dahil dito, pumalo na ang dumarating na bakuna sa bansa sa 215.5milyon, kung saan mahigit 136 milyong doses dito ay naipamahagi na sa buong bansa.

Umabot naman sa 56.8 milyong indibidwal ang fully vaccinated na sa bansa, habang 59.6 milyon ang nakatanggap ng partial dose laban sa virus.

Halos anim na milyong indibidwal naman ang naturukan na ng booster shots. RNT/SA