Halos 100 indibidwal, apektado ng baha sa Cotabato

Halos 100 indibidwal, apektado ng baha sa Cotabato

January 14, 2023 @ 4:15 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Mahigit 100 indibidwal ang apektado ng baha sa bayan ng Matalam, Cotabato, kung saan kinailangang i-rescue ng ilang indibidwal habang hinintay naman ng iba na humupa ang tubig.

Ayon sa ulat, nagsimulang tumaas ang lebel ng tubig sa Barangays Manubuan, Poblacion, Malamote, at Taculen kaninang alas-3 ng madaling araw.

Ilang motorista rin ang stranded sa pagtaas ng tubig sa kahabaan ng Cotabato-Davao Road dahil sa ulan dulot ng low-pressure area (LPA).

Hanggang nitong alas-10 ng umaga, iniulat ng PAG-ASA na ang LPA ay namataan east-northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur. Bagama’t hindi ito inaasahang magiging bagyo, inaaasahan naman ang pag-ulan sa Bicol at Eastern Visayas Regions, maging saMindanao.

Base sa pinakabgong ulat ng NDRRMC, 20 indibidwal na ang nasawi dahil sa masamang panahon dulot ng LPA, shear line at Amihan. RNT/SA