Halos 100 kabahayan sa P’que, natupok ng apoy

Halos 100 kabahayan sa P’que, natupok ng apoy

December 26, 2022 @ 8:52 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Halos 100 houses tahanan ang nasunog  sa residential area sa San Dionisio, Parañaque City matapos ang araw ng  Pasko, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nitong Lunes.

Sa inisyal na ulat, sinabi ng BFP na halos 160 pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa sunog  na umabot na sa ₱400,000 ang halaga ng pinsala.

Inihayag ng mga awtoridad na ilang indibidwal, kabilang ang fire volunteer, ang nagtamo ng sugat dahil sa pagliyab.

Base sa BFP, nagsimula ang apoy bandang alas-3:09 ng umaga at umbot sa first alarm ng alas-3:10 ng umaga at umabot sa fifth alarm pagsapit ng alas-3:51 ng umaga. Idineklara ang fire our ng alas-7:09 ng umaga.

Sa kasalukuyan ay hindi pa natutukoy ang pinagmulan ng sunog. RNT/SA