Halos 100% ng VCMs naipamahagi na

Halos 100% ng VCMs naipamahagi na

May 3, 2022 @ 12:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes na halos 100 porsyento ng vote counting machines (VCMs) na gagamitin para sa Halalan 2022 ang naipamahagi na.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na naipamigay na ang VCMs para sa final testing and sealing ng VCMs mula Mayo 2 hanggang 7.

“More or less 100% po tayo [delivered] sa buong Pilipinas sapagkat kinakailangan ma-deliver ‘yan ngayon at kahapon dahil nagsimula na ‘yung ating final testing and sealing,” ayon kay Garcia.

Hinikayat naman niya ang publiko, poll watchers, at mga kinatawan ng political parties na pumunta sa polling precincts sa buong bansa upang personal na matunghayan ang pag-test sa VCMs. RNT/SA