Halos 12K bagong kaso ng COVID naitala sa isang linggo

Halos 12K bagong kaso ng COVID naitala sa isang linggo

October 24, 2022 @ 7:43 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot sa 11,995 na bagong kaso ang naitala sa bansa mula Oktubre 17 hanggang 23, ayon sa COVID-19 update ng Department of Health (DOH).

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,714, mas mababa ng 22% kung ikukumpara sa mga kaso noong Oktubre 10 hanggang 16.

Sa mga bagong kaso, 4 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Samantala, mayroon namang naitalang 272 na pumanaw kung saan 26 ay naitala noong Oktubre 10 hanggang 23.

Mayroong 650 na malubha at kritikal na pasyente noong ika-23 ng Oktubre 2022, na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.

Sa 2,520 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 581(23.1%) ang okupado.

Samantala, 5,666 o (26.4%) ng 21,474 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 73 milyong indibidwal o 94.09% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 20 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Sa kabilang banda, 6.9 milyong senior citizens o 79.19% ng target na A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series ng COVID-19 vaccine. Jocelyn Tabangcura-Domenden