Halos 18 COVID home antigen test kits oks sa FDA

Halos 18 COVID home antigen test kits oks sa FDA

May 20, 2022 @ 3:15 PM 1 month ago


MANILA- Aprubado na ng Food and Drug Administration ang hindi bababa sa 18 home antigen test kits para sa COVID-19, ayon sa datos mula sa regulatory body.

Ang self-administered test kits ay mayroong 83 porsyento hanggang 97.5 porsyentong sensitivity at 99.5 porsyento hanggang 100 porsyentong specificity, ayon sa FDA data hanggang nitong Mayo 10. 

“Marami pa po tayong hinihintay sa RITM (Research Institute for Tropical Medicine),” ani FDA officer-in-charge Oscar Gutierrez sa televised briefing nitong Biyernes.

Samantala, walang COVID-19 vaccine manufacturer ang nag-apply para sa booster shots ng mga bata, ani Gutierrez.

“Kung sakali mang may mag-a-apply, sa loob po ng 3 linggo susubukan po nating ma-evaluate ito agad,” ayon sa kanya.

“Kakayanin po ‘yan kasi nagtutulungan po kami dito lahat kasama ang ating vaccine experts.” RNT/SA