Halos 20 sekyu inaresto ng NBI sa Cebu

Halos 20 sekyu inaresto ng NBI sa Cebu

April 26, 2022 @ 10:40 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inaresto ng National Bureau of Investigation Cebu District Office (NBI-CEBDO) sa Mandaue City ang humigit-kumulang 20 security guard na nagbabantay sa isang illegally-claimed area sa Purok Tambis sa Barangay Umapad nitong Lunes.

Sinabi ni Agent-in-charge Arnel Pura, na ang Meniroses Security Agency, na konektado ang mga sangkot na security personnel, na wala ring permit mula sa Commission on Elections para ma-exempt sa Comelec gun ban.

Kinumpiska rin ng NBI ang 10 shotguns , 12 revolvers at ilang bala mula sa security forces. Ang mga baril ay susuriin kung ang mga serial number ay nasira.

Dinala ang mga security guard sa opisina ng NBI para sa karagdagang pagtatanong. Ang mga tauhan mula sa Meniroses Security Agency ay tumangging magbigay ng pahayag.

Ayon kay Pura, inireklamo ng may-ari ng 80 hektaryang lupain ang presensya at harassment ng mga security guards
at ang hindi pa kilalang claimant.

Sinabi niya na ang mga nagrereklamo ay may mga tax declaration at mga titulo ng lupa na kinumpirma ng City Assessor’s Office.

Sinabi ni Pura na ang liham ay idiniretso sa Office of the Department of Justice na inirefer naman sa NBI.

Dagdag pa ni Pura bukod sa mga may-ari, nakatanggap din sila ng mga paulit-ulit na reklamo mula sa mga residente.

Aniya, ipinagbabawal ang mga residente na dumaan sa national road sa Sitio Laray.

Maliban sa paglabag sa Comelec gun ban, maaaring maharap ang mga security guard sa mga posibleng paglabag at kasong grave threats, usurpation of real rights, at illegal possession of firearms.

Sinabi ni Pura na maaari ding panagutin ang ahensya ng seguridad. Jocelyn Tabangcura-Domenden