Halos 200 IPs nasagip sa NCR – DSWD

Halos 200 IPs nasagip sa NCR – DSWD

November 22, 2022 @ 4:20 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Halos 200 indigenous peoples (IPs) ang nasagip sa Metro Manila, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Martes.

Sa public briefing, sinabi ni DSWD Undersecretary Edu Punay na mahigit 60 Badjaos ang nakauwi na sa kanilang probinsya habang 20 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa Jose Fabella Center.

“Sinasagot ng DSWD ang transportation cost at binibigay din natin ng mga nararapat na assistance itong mga IP families. Kabilang po diyan ang pagbibigay natin sa kanila ng P10,000 cash assistance,” pahayag niya.

Sinabi ni Punay na nailigtas ang mga miyembro ng IP community sa Makati, Muntinlupa, Manila, at Pasay.

Samantala, nang tanungin kung paano natitiyak ng ahensya na hindi na sila babalik sa Metro Manila, inihayag ni Punay na inaayos ng DSWD ang pagbibigay ng kanilang birth certificates at identified cards.

“Tayo po ay nag i-initate na rin ng special project para sa birth registration at pag pro-provide po ng identification IDs or identification documents dito sa ating mga IP communities para po sila’y… naka-access sa ating mga programa sa gobyerno,” aniya. RNT/SA