Halos 200 pamilya nakalipat na sa Tondominium

Halos 200 pamilya nakalipat na sa Tondominium

February 8, 2022 @ 10:30 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Natupad na rin ang katuparan ng ilang benipisyaryo ng housing project na magkaroon ng disente at maayos na matitirhan matapos na iturn-over sa kanila ang kanilang unit sa Tondominium 1 sa Vitas, Tondo.

Isa si Devine Grace Macapagal sa 168 pamilya na labis na natuwa nang matanggap ang kanilang unit dahil pangarap aniya nila ito ng kanyang asawa para sa kanilang anak na natutuluan ng tubig tuwing umuulan.

Sa ginanap na turn-over ceremony, kabuuang 168 pamilya ang nakatanggap ng condominium units mula sa pamahalaang lokal.

Ang Tondominium 1 at 2 na isa sa mga housing project ng Manila LGU ay sinimulang itayo noong June 2020.

Mayroon 12 units bawat palapag ang Tondominium 1 na may taas na 15 palapag at may floor areana 44squarw meters at may dalawang kuwarto.

Inaasahan namang matapos ngayong taon ang Tondominium 2.

Sa ground floor, makikita ang day care center, opisina, livelihood center, pump room,electrical room, at maintenance room kaya ang residential units at magsisimula sa ikalawang palapag hanggang 15 palapag

Nasa 696 square meter ang floor area per level ng gusali at kabuuang floor area na 10,914 square meters.

“Masaya ako para sa ating mga kababayan na mula sa malit na paraan ay nataas natin ang antas ng pamumuhay nila na ‘yung natitikman ng mayaman ay matitikman ng mahirap. ‘Yung equality ay unti unting nararamdaman ng ating mga kababayan ” bahagi ng talumpati ni Manila Mayor Isko Moreno sa isinagawang turn over ceremony .

Kabilang sa mga housing project ng pamahalaang lungsod ang Basecommunity sa Port Area, multi-story San Lazaro Residences sa Sta. Cruz, San Sebastian Residences sa Quiapo, Sta. Ana Residences sa Sta. Ana, at Pedro Gil Residences sa San Andres Bukid. Jocelyn Tabangcura-Domenden