Halos 23K infractions, misdemeanor cases mula 2016 ‘gang 2023, naresolba ng PNP

Halos 23K infractions, misdemeanor cases mula 2016 ‘gang 2023, naresolba ng PNP

January 17, 2023 @ 6:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes na naresolba nito ang halos 23,000 kaso ng infractions at misdemeanors sa mga tauhan nito mula July 2016 hanggang January 2023.

“From July 1, 2016 hanggang January this year ay umabot na po ng almost 23,000 na cases ang na-resolve po ng PNP for various infraction at misdemeanor po ng ating hanay,” ani PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo.

“At ito naman po ay hindi ipinagwawalang bahala lalong lalo na po ng ating current leadership at ‘yung ating internal cleansing efforts ay nagtutuloy-tuloy po ‘yan even beyond po ng previous administration,” dagdag niya.

Inihayag ito ni Fajardo nang tanungi ukol sa 52 drug war cases na inimbestigahan ng Department of Justice (DOJ).

“For your information ay nag-participate po at nakipag-cooperate po ang PNP doon po sa ginagawang investigation ng DOJ. We provided them the necessary documents that are needed para doon sa ongoing investigation,” aniya. RNT/SA