Halos 2K bagong kaso naitala, 37 nasawi sa COVID

Halos 2K bagong kaso naitala, 37 nasawi sa COVID

October 22, 2022 @ 8:13 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng nasa 1,984 bagong kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Oktubre 21.

Dahil dito ay sumampa na sa 24,192 ang aktibong kaso ng sakit at 3,991,441 naman ang kabuuang bilang mula nang magsimula ang pandemya.

Sa nasabing bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19, ang National Capital Region (NCR) ang nananatiling una sa listahan na mayroong 8,673 bagong kaso ng sakit na naitala sa nakalipas na dalawang linggo.

Sinundan ito ng Calabarzon sa 4,656, Central Luzon sa 2,628, Western Visayas a 1,520, at Davao Region sa 1,410.

Samantala, umakyat naman sa 3,903,543 ang total number of recoveries makaraang makapagtala ang DOH ng 1,377 mga bagong gumaling mula sa COVID-19.

Sa bilang naman ng mga nasawi, mayroong 37 bagong fatalities kung kaya’t ang total death toll ay umakyat na sa 63,706. Jocelyn Tabangcura-Domenden