Halos 3.7K nananatili sa evacuation centers – Batangas police

Halos 3.7K nananatili sa evacuation centers – Batangas police

July 6, 2021 @ 11:07 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nananatili sa mga evacuation center sa Batangas ang 3,788 katao o 1,072 pamilya dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal, ayon sa Batangas Provincial Police Office.

Nagpatupad ng paglikas ang Agoncillo, Laurel, Taal, Lemery, Balete, Cuenca, Mataas na Kahoy, San Nicolas, Talisay City, at Tanauan City.

Batay naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, 2,565 katao o 709 pamilya ang lumikas ngunit hindi nanatili sa evacuation center.

Halos 77 barangay ang apektado ng kasalukuyang aktibidad ng bulkan.

Suspendido rin ang klase sa 23 lokal na pamahalaan sa Calabarzon. RNT/ELM