Halos 300 buwaya pinatay ng mga galit na residente

Halos 300 buwaya pinatay ng mga galit na residente

July 16, 2018 @ 4:08 PM 4 years ago


Indonesia — Patay ang 292 na buwaya sa kamay ng mga galit na residente ng Sorong District bilang paghiganti sa pagkamatay ng isang lalaking nilapa sa crocodile breeding farm.

Sa mga kumakalat na litrato, makikita ang gabundok na duguang katawan ng mga buwaya sa Sorong district, sa West Papua.

Ayon sa Indonesia’s Natural Resources Conservation Agency sa lugar, pumasok ang isang 48-anyos na lalaki sa crocodile farm para lang sana kumuha ng damo pero bigla itong inatake ng buwaya.

Matapos ang libing ng lalaki noong Sabado ay galit na sumugod ang mga residente sa crocodile farm at pinagpapatay ang mga buwaya.

Ayon kay Basar Manullang, pinuno ng nabanggit na Conservation Agency, binigyan sila ng lisensiya na magpalaki ng mga buwaya noong 2013 para sa preservation.

Pero iginiit nito na secured ang kanilang mga buwaya maliban na lang kung papasukin ito.

“Crocodiles are god’s creatures that need to be protected too,” dagdag pa nito.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa pulisya. (Remate News Team)